😇 #SaintoftheDay | St. Blaise o San Blas | Feb 3
Patron ng mga sakit sa lalamunan, beterinaryo, mga nabubulunan at mga sanggol
Noong mga unang panahon ng mga Kristiyano ay inuusig sila ng mga Romano. Isa si Saint Blaise sa mga ikinulong para maiwasan ang ibang tao na maging tagasunod ni Kristo.
Ikinulong si St. Blaise sa isang madilim na kuweba. Sinasabi na may mga hayop na pumupunta sa kanyang kuweba upang kanyang gamutin. Sinasabi din na isang araw ay may inang dinala ang kanyang anak na mamamatay na dahil may tinik ng isda sa kanyang lalamunan. Himalang nailigtas ang bata sa kamatayan sa pamamagitan ng panalangin at pag-krus ng kandila sa kanyang lalamunan. Simula noon ay dinadalhan na siya ng ina ng bata ng kandila at pagkain.
Sa kulungan na nahatulang mamatay si St. Blaise.
Sa kapistahan ni St. Blaise ay may espesyal na panalangin sa mga parokyano sa kanilang mga sakit lalo na sa lalamunan sa pamamagitan ng paglalagay ng 2 naka-krus na kandila sa kanilang lalamunan.
🙏 PANALANGIN KAY SAN BLAS
+ Maluwalhating San Blas inusig ka at pinatay dahil sa iyong pananampalataya sa Diyos.
Tulungan mo akong magkaroon ng pananampalatayang tulad nang sa iyo at maipagtanggol ito na may matibay na paninindigan laban sa pagtuligsa at pang-aalipusta ng iba. Sa iyong pamamagitan, loobin nawa ng Panginoon na matupad ko ang halimbawa ng iyong kabanalan.
Sa tulong mo, iligtas at ilayo nawa ako sa lahat ng mga kasawiang-palad at sa mga makasasama sa aking kalusugan lalo na sa mga karamdaman ng lalamunan. Amen.
San Blas, ipanalangin mo kami!
Source:
Comments