Si Francesco Forgione ay ipinanganak sa Pietrelcina, Italy noong 1887. Ang kanyang pamilya at bayan ay relihiyoso. Araw araw silang nagsisimba at nagdarasal ng rosaryo sa gabi. Isang araw ay may dumating na paring Capuchin sa kanilang bayan at doon niya naramdaman na gusto rin niyang maglingkod bilang pari.
Pumasok ng monasteryo ng mga Capuchin si Francesco noong 15 taong gulang na siya. Kinuha niya ang pangalang "Pio" bilang pagpupugay sa patron ng kanilang bayan na si St. Pius V. Makalipas ang ilang taon ay ganap na siyang naordinahang pari at binansagan siyang "Padre Pio"
Noong 1910 ay nakatanggap si Padre pio ng malaking biyaya habang nagdarasal. Nagpakita sa kanya si Hesus! Nang matapos ang aparisyon ay puno ang kanyang kamay, paa at tagiliran ng mga sugat na tulad ng natamo ni Hesus noong Siya ay ipako sa krus. Ang tawag sa mga sugat na ito ay stigmata.
Pinatignan siya ng mga Capuchin superiors sa mga dalubhasang doktor upang masiguro kung kaya nga ba ng katawan ni Padre Pio na magpatuloy bilang pari sa kabila ng kanyang mga stigmata.
Kalaunan ay nakabalik na rin sa paglilingkod bilang pari si Padre Pio. Napakaraming dumadating sa kanyang parokya upang magmisa at magkumpisal. Dahil na rin siguro sa kanyang mga stigmata ay nagkaroon siya ng espesyal na turing sa mga may sakit at mga nagbabalik-loob kay Hesus.
Hiniling niya na makapagpatayo ng ospital malapit sa kanilang tahanang prayle noong 1948. Ang ospital na ito ay tinawag na Casa Sollievo della Sofferenza o "House for the Relief of the Suffering".
Namatay si Padre Pio noong 1968 at dineklarang Santo ni St. John Paul II noong 2002.
Source:
http://saintsresource.com/pio-of-pietrelcina
https://stpadrepiomh.wordpress.com/2017/08/28/prayer-to-st-padre-pio-in-filipino/
Commentaires