top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni Apostol Santiago

Feast Day: July 25

Patron ng mga beterinaryo, pharmacist at manlililok


Isa si St. James the Great o San Santiago anak ni Zebedeo sa mga unang tinawag ni Hesus upang maging apostol kasama ng kanyang kapatid na si St. John. Bilang sila ang sinasabing pinakamalalapit na apostol kay Hesus sila ay naging saksi sa pagbuhay ni Hesus sa anak ni Jairo, sa pagbabagong anyo ni Hesus (Transfiguration), at ang panalangin ni Hesus sa Getsemani.


Dalawa silang apostoles na nagngangalang James kaya't marahil siya ay mas matanda o mas matangkad sa isa kaya't binansagan siyang St. James the Great. Tinawag din ni Hesus ang magkapatid na "sons of thunder" (Mark 3:17) dahil na rin mabilis maubos ang kanilang pasensya at madaling magalit. Ilang beses silang pinangangaralan ni Hesus na ang paglilingkod ay pagmamahal at hindi nadadaan sa dahas o galit.


Kalaunan ay natuto naman sila sa mga pangaral ni Hesus at naging mabuting halimbawa ng paglilingkod. Pagkatapos ng Pentekostes ay nanatili siya sa Jerusalem para ipagpatuloy ang misyon ni Hesus sa kabila ng banta ng kamatayan. Siya ang unang minartir para sa pananampalataya.


🙏 PANALANGIN KAY APOSTOL SANTIAGO

Sources:

http://saintsresource.com/james-the-greater

16 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page