top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal


Ang Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal ay ipinagdiriwang tuwing Sept 14 upang parangalan ang krus kung saan ipinako si Hesus.


Sa ating mga Kristiyano, ang krus ay simbolo ng tagumpay ni Hesus sa kamatayan at kaligtasan natin sa kasalanan. Ipinagdiriwang din natin ang pag-asa na ang paghihirap ay masusuklian ng banal na buhay at kaligtasan sa lahat.


Ginugunita rin natin ngayon ang pagkahanap ni Reyna Elena sa totoong krus ni Hesus noong maglakbay siya sa Holy Land noong taong 326.



📖 Pagbasa: Juan 3:13-17


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”


At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Source:

https://www.britannica.com/topic/Exaltation-of-the-Holy-Cross

Panalangin mula sa https://www.facebook.com/339839346057589/posts/panalangin-sa-krus-na-banal-ng-panginoonmakapangyarihang-diyos-na-nagtitiis-ng-k/3113515305356632/

20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page