top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

šŸŽ‚ Happy Birthday Mama Mary! šŸ’šŸŒ¹ Si Maria, ina ni Hesus, ay modelo nating mga Kristiyano sa pagiging mapagkumbaba at pagsunod sa kautusan ng Diyos. Sa paggunita natin ng kanyang kaarawan ay pinaparangalan natin ang mahalaga niyang papel sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagbubuntis, pag-aalaga at pagpapalaki kay Hesus.


šŸ“– Pagbasa ngayon: Mateo 1:18-23


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Mariaā€™y natagpuang nagdadalang-tao. Itoā€™y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, ā€œJose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siyaā€™y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at itoā€™y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.ā€


Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:


ā€œMaglilihi ang isang dalagaā€™t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.ā€ Ang kahulugaā€™y ā€œKasama natin ang Diyos.ā€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


āœ“ļø Ano ang pwede nating iregalo kay Mama Mary sa kanyang kaarawan?

ā›Ŗļø Magsimba

Wala nang mas tataas pang parangal kundi mag-alay ng panalangin sa pamamagitan ng pagmimisa. Magpasalamat tayo sa mga panalanging idinulog natin sa mahal na ina na nagkaroon ng pagkakasakatuparan.


šŸ¤² Magdasal ng Santo Rosaryo

Gunitain natin ang ibaā€™t ibang mga tagpo sa buhay ni Maria at ni Hesus sa pagdarasal ng rosaryo.


šŸ˜‡ Gumawa ng mga simpleng kanutihan

Sa iyong munting paraan ay gumawa ka ng kabutihan. Sa simpleng pagbati, pangangamusta o pagtulong sa nakatatandang tumawid ay sapat na upang makapaghatid tayo ng kaligayahan at pagmamahal sa ating kapwa.



šŸ™ Dasalin natin ang Aba Ginoong Maria -

Aba Ginoong Maria

Napupuno ka ng grasya

Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat

At pinagpala rin naman ang Anak mong si Hesus.


Santa Maria, Ina ng Diyos

Ipanalanging mo kaming mga makasalanan

Ngayon at kung kami'y mamamatay

Amen.


280 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page