top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo

😇 #PagdiriwangNgayon | Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo | Feb 2



🕯️Ginugunita sa araw na ito ang pagdadala ni San Jose at ni Inang Maria kay Hesus sa Templo ng Jerusalem upang mabendisyunan ayon sa kautusan ni Moises. Ito ay naganap 40 na araw matapos isilang si Hesus noong Pasko na parte ng mga kaugalian noong panahong iyon sa Judaismo.


🕯️Kilala rin ang kapistahang ito bilang Candlemas o Kapistahan ng Candelaria kung saan may espesyal na bedisyon para sa mga kandila iniuuwi ng mga Katoliko sa kanilang mga tahanan upang sindihan tuwing nagdadasal. Sinisimbolo nito si Kristo bilang ilaw ng mundo.  


🙏 PANALANGIN SA PAGDADALA SA PANGINOON SA TEMPLO

+ Panginoon namin Diyos, buong pagkukumbaba kaming nagsusumamo sa Iyo, na sa liwanag na dala ni Hesus, bilang gabay ng aming buhay, kami’y balang-araw na haharap Sa’yo na may malinis na pag-iisip at dalisay na puso. Hinihiling namin ito sa Ngalan ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang-hanggan, Amen.



15 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page