top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Pagbabagong Buhay ni San Pablo

😇 #saintoftheday | Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo o Conversion of St. Paul | Jan 25



Happy Fiesta San Pablo! 🎉🎉🎉


💡Si St. Paul o Pablo ay ipinanganak na Saul ang pangalan. Noong una ay inuusig niya ang mga sinaunang Kristiyano at nais niyang talikuran nila si Hesus. Nang minsan ay papunta siyang Damascus, nagliwanag ang langit at siya'y nabulag!


May tinig siyang narinig mula sa langit na ang sabi "Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?" Ito ang tinig ni Hesus.


Makalipas ang 3 araw ay pinuntahan siya ng isa sa mga disipolo ni Hesus at bininyagan. Siya ay napuspos ng Espiritu Santo at nanumbalik ang kanyang paningin! Binansagan siya ng mga taong Paul bunsod ng kanyang pagbabago.


🙏 PANALANGIN KAY SAN PABLO


+ Minamahal naming San Pablo, ipinakita mo sa amin ang pagmamahal at katapatan kay Hesus at sa Mabuting Balita.


Tulungan mo kami at samahan sa pananalangin upang katulad mo ay tahakin namin ang landas ng pagbabagong-buhay at ialay ang aming sarili sa paglilingkod sa Panginoon. Niluwalhati mo ang Ama, Anak at Espiritu Santo sa pamamagitan ng iyong mga nagbibigay-lakas na turo at aral sa aming mga Kristiyano.


Sa anumang biyayang aming tinatanggap, matuto nawa kaming magbahagi sa mga nangangailangan at sa Inang Simbahan. Ito’y aming dalangin sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen.

23 views0 comments

Comments


bottom of page