Ipinagdiriwang natin tuwing July 16 ang kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel o Birhen ng Carmelo. Ito ay titulo ng Carmelite order kay Inang Maria bilang kanilang patrona. Nakasentro ang kanilang pamamanata kay Inang Maria sa pamamagitan ng pagsusuot ng “Brown Scapular”.
Mahigit 7 siglo na ang debosyong ito sa Mahal na Birhen ng Carmelo. Noong taong 1251 ay nagpakita ang Mahal na Ina kay St. Simon Stock na isang Carmelite. Ayon sa kanya ay inabutan siya ng Birheng Maria ng Carmelo ng scapular na gawa sa wool o lana kasama ang pangako para sa lahat ng Carmelite na ang sinuman ang mamatay na suot ang scapular ay hindi magdurusa sa walang hanggang apoy ng impyerno. Kalaunan ay pinayagan na ang mga layko na magsuot ng scapular upang makinabang sa pambihirang pribilehiyong ito.
Hindi anting-anting o mahika ang brown Scapular!
May mga pamantayang kailangang masunod upang maging mabisa ang pangakong ito:
(1) Kailangang kang enrolled o nakatala sa mga carmelo at nabendisyunan ng pari ang iyong scapular.
(2) Ang Scapular ay gawa sa tela at hindi nababalutan ng plastic. Ang Scapular ay dapat palaging naka-kuwintas sa leeg (hindi naka-pin sa damit). Ang isang bahagi ay nasa dibdib at ang kabilang bahagi naman ay nasa likod.
(3) Panatilihin ang kalinisan ng puso at katawan may-asawa man o wala.
(4) Magdasal ng Rosaryo araw-araw
🙏 PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG BUNDOK NG CARMELO
Source:
Comments