❤️🔥 Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus o Sacred Heart of Jesus | Ang Kapistahang ito ay ipinagdiriwang sa Biyernes dalawang linggo matapos ang Pentekostes kaya’t karaniwang nagbabago ang petsa nito base sa liturgical calendar ng simbahang Katolika. Sa taong ito, ang Kanyang kapistahan ay sa Hunyo 16.
Sinasariwa ng kapistahang ito ang wagas na pagmamahal ng Diyos. Binibigyan tayo ng pagkakataon na magpakumbaba at magsumamo sa Kanyang dakilang awa. Kasabay nito ang hamon sa ating lahat na ibahagi ang pagmamahal na ito sa iba.
Mabunga ang pamamanata sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus dahil ito ang simbolo ng Kanyang malalim at sagradong pagmamahal sa sangkatauhan. Ipinahayag mismo ni Hesus sa Kanyang pagpapakita kay St. Margaret Mary Alacoque ang pangako at mga bunga ng pamamanata sa Kabanal-banalang puso. ✝️
"The heart of Jesus is crying out with profound love, yet most of us are not listening." - St. Margaret Mary Alacoque
🙏 PANALANGIN SA KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS
O Kabanal-banalang Puso ni Hesus,
Ako po'y nagdarasal sa Inyo ng buong katapatan.
Pagkalooban ninyo po ako ng lakas at pag-asa,
Upang maipamalas ang wagas na pag-ibig at kabutihan.
Mahal naming Panginoon, salamat sa Iyong pagmamahal.
Naway palaging magningning ang aking puso,
At magpuno ng pagsasakripisyo't kababaang-loob,
Sa pagsunod sa Iyong banal na landas.
Sa Iyo pong Sagrado at Mapagmahal na Puso,
Inilalatag ko ang aking mga hinaing at pangangailangan.
Ama, alayin ninyo po ang inyong awa at pagpapala,
At tanggapin ang aking mga panalangin.
Mahal na Hesus, alay ko ang aking buhay sa Inyo.
Gabayan ninyo po ako sa bawat sandali ng aking paglalakbay.
Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,
🍎 MAGSANAY TAYO! I-download ang mga worksheet na ito bilang pagsasanay sa Banal na puso ni Hesus 👇👇👇
Source: https://www.ebreviary.com/.../ebreviaryph.../phhomepage.htm
Kommentare