Idulog natin sa Birhen ng Lourdes ang ating mga iniindang sakit o karamdaman 💙
🌟🌟🌟 Isa sa mga kilalang aparisyon ni Inang Maria ang Our Lady of Lourdes. Ang kanyang unang pagpapakita ay naganap noong 11 February 1858 kay St. Bernadette na noon ay 14 years old pa lamang. 😇 Inilarawan ni St. Bernadette ang pagpapakita ng isang babaeng nagliliwanag tulad ng araw na may asul na lasong nakatali sa kanyang baywang. Tuwing nagpapakita ang Birhen ay inaaya niya si St. Bernadette na magdasal ng rosaryo kasama niya.
Kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Lourdes ang World Day of Sick na inilunsad ni St. Pope John Paul II. Ipanalangin natin sa mahal na ina ang agad na paggaling ng mga may sakit. 🤲❤️
🙏 PANALANGIN PARA SA MGA MAY SAKIT
† O mapagkalingang Birhen ng Lourdes, dumudulog kaming mga nagdadalamhati’t may karamdaman upang maginhawaan. Lubos kaming nagtitiwala na kami’y tutulungan ninyong gumaling. Kasabay ng panalanging ito, taglay ang maalab na pananampalataya, itinataas din namin ang mga kapatid naming may karamdaman: (banggitin ang pangalan ng maysakit)
Marami ang gumaling dahil sa pamimintuho sa iyo. Isama mo kami at ang mga mahal namin sa buhay na makaraos sa sakit ng aming katawan, puso’t isipan. Ilayo mo kami sa panganib at ibangon sa banig ng karamdaman upang makabalik sa paglilingkod sa iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin mo kami † 🌹🌹🌹
Comments