top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ng Birhen ng Fatima

Ipinagdiriwang natin ngayon, ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima.


Ginugunita natin ang pagpapakita ni Inang Maria sa tatlong batang pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta. Ayon sa kwento ng mga bata, nagpakita sa kanila ang isang babaeng may sinag na mas maliwanag pa sa araw. Hiningi ni Inang Maria na ipanata nila ang kanilang mga sarili sa Banal na Santatlo o Holy Trinity at magdasal ng rosaryo para sa kapayapaan ng mundo.


Sa pagpapakita ni Inang Maria, Birhen ng Fatima, sa mga bata ay nagbigay siya ng 3 sikreto sa kanila.

💌 Ang unang sikreto ay ang pangitain o vision ng impyerno,

💌 Ikalawang sikreto ay ang pagtatapos ng digmaan

💌 at, katlong sikreto na patungkol sa pangitain ng pagkamatay ng santo papa at iba pang relihiyoso.


Ang lahat ng sikreto na pinahayag ni Inang Maria ay nakasentro sa tema ng pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob sa Panginoon. Hiling ni Maria na magdasal tayo ng Rosaryo araw-araw at pagnilayan ang buhay ni Hesus. Kalakip ng pagdarasal ng rosaryo ay ang pagsambit ng panalanging ito pagkatapos ng bawat dekada:


O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong awa. Amen




41 views0 comments

Коментарі


bottom of page