top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Hulyo 24, 2022 | Ika-17 Lingo sa Karaniwang Panahon | Ang Panalanging Nakapupukaw sa Puso ng Diyos

Updated: Jul 22, 2022






Gabay para sa Katekesis

Hango mula sa Daloy ng Bibliarasal ng SLRP at ng Paghahawan


Ebanghelyo ngayong Linggo: Lucas 11:1-13


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa ang ngalan mo.

Magsimula na sana ang iyong paghahari.

Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.

At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,

Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.

At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”


Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay natin na ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid

Lesson: Mahalaga ang pagdarasal na puno ng pananampalatayang tutugunan ng Panginoon ang ating mga panalangin

May mga pagkakataon  ba na dahil sa mga pagsubok at hirap na nararanasan sa buhay, nawawalan  na tayo tiwala sa Diyos? May mga panalangin ba tayong tila hindi Niya dinidinig? Ano ang ginagawa natin?


B. Paghahawi

“Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok.” Lucas 10:10


Pag-ugnay sa Ebanghelyo

Sinabi ni Jesus, “Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit."


C. Pagtatabas

Bakit kailangan nating magtiwala sa Diyos?


D. Pagsasaayos

  • Ang Diyos Ama ay may malasakit na hindi mapapantayan

    • Ipinakilala ni Jesus ang Diyos bilang ating Ama. Isang Ama na may malasakit na di mapapantayan.

    • Isang Ama na umaapaw ang awa at pagpapatawad.

    • Amang nagtataguyod at nagkakaloob ng lahat ng ikakabuti para sa kanyang mga anak.

    • Amang nagpapadama sa atin ng walang maliw na pagmamahal.

  • Mapalad tayong maging ampong mga anak ng Diyos sa bisa ng ating binyag.

    • Huwag tayong mawalan ng pagtitiwala sa ting Ama sa langit bagkus higit tayong kumapit sa Kanya lalo na sa mga panahon ng pagsubok at hirap na nararanasan natin sa buhay.

    • Manalangin tayo ng maigting, magsimba at humingi sa kanyang kagandahang loo para sa ating mg pangangailangan. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Siya ang ating Ama sa langit.

  • Ang “Ama Namin” ay panalanging itinuro mismo ni Hesus para sa atin

    • Alamin at isapuso ang bawat linya ng panalanginging “Ama Namin” at paano ito tumutugon sa mga pangagalingan at hiling natin sa ating Ama sa langit

Pagdiriwang

Ituro ang pangalanging “Ama Namin”


Sources:

Daloy ng Bibliarasal, Fr. Niño Etulle, SCJ

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Awit at Papuri Website

Exploring God’s Word, Word and Life Publications



36 views0 comments

Comentários


bottom of page