Gabay para sa Katekesis
Hango mula sa Daloy ng Bibliarasal ng SLRP at ng Paghahawan
Lucas 10:38-42
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A. Pagmamasid
Lesson: Ano ang aking uunahin, makinig o maghanda?
Kapag may panauhin ka sa bahay, ano ang inuuna mo, makinig sa kanya o ipaghanda ng makakain niya?
B. Paghahawi
“Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.” Lucas 10:42
Pag-ugnay sa Ebanghelyo
Si Marta, pinakita niya ang kanya paglilingkod sa pagseserbisyo n`ya sa Panginoon. Abalang- abala at aligagang-aligaga siya. Bakit? Dahil nais niya ipakita ang kanyang “best” para sa Panginoong Jesus. Ngunit mas pinili ni Maria ang lalong Mabuti. And what is the better part? To listen. Ang makinig sa Panginoong Jesus. To know the existence of God. Tanggapin ang Pag- ibig ng Diyos. Kapag walang Pag- ibig ang paglilingkod, ang labas nagiging obligasyon na lang ito.
D. Pagtatabas
Bilang kabataan, paano ko ba ibinabahagi ang aking talento sa ngalan ng paglilingkod? Paano ko ba ipnapakita ang aking malasakit sa aking kapwa kabataan?
C. Pagsasaayos
Maglaan ng panahon upang “makinig” kay Hesus.
Nagdadasal ba ako araw-araw?
Nakikinig at nagpaparticipate ba ako sa Misa? Ang Pagsimba ng Linggo ay Obligasyon! Bakit maraming nabibigatan sa pagsisimba? Dahil ang tingin sa Misa ay obligasyon. Lagyan mo ng Pag-ibig ang pagsisimba. Ang gaan sa pakiramdam.
Ang kaganapan ng ating buhay ay ang maglingkod sa isa’t isa.
Bakit ka umiibig? Dahil ang unang umibig sa iyo ay ang Diyos mismo. Ito po ang nais ituro, at ipaunawa sa atin ng Panginoong Jesus. Dahil ganyan din ang ginawa ni Kristo para sa atin. Hindi nagsawa ang Diyos sa atin, dahil nagbubukal ang Kanyang paglilingkod sa pag -ibig niya sa ating lahat.
Ang isang taong naglilingkod na may pagmamahal, hindi naghahanap ng kapalit o bayad.
Hindi nagsasawa kahit nasasaktan at laging naghihintay ng pagkakataon na makapaglingkod sa kapwa.
E. Pagdiriwang
Lumikha ng sariling simpleng panalangin para sa mga bata o gamitin ang galing sa paghahawan
“Hesus, napakahalaga ng Inyong mga salitang galing sa Ama na magpapalapit sa amin sa Inyo at magpapabuti ng aming buhay. Turuan Niyo po kaming makinig at maglingkod ng may pagmamahal tulad Ninyo.”
Sources:
Daloy ng Bibliarasal, Fr. Niño Etulle, SCJ
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Awit at Papuri Website
Exploring God’s Word, Word and Life Publications
Comments