top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Flores de Maria

Ang buwan ng Mayo ay buwan ni Maria.


Ang Flores de Mayo ay isang tradisyunal na selebrasyon sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Mayo bilang pagpaparangal sa ating Mahal na Inang Maria. Ito ay isang pagdiriwang na kinabibilangan ng mga misa, pagdarasal, paglilibot sa mga bulaklak at pag-awit ng mga kanta sa Birheng Maria.


Karaniwang gawi ng mga Pilipino sa kanilang pagsisimba araw-araw sa buwan na ito ang paglalakad sa ilalim ng malaking arkong gawa sa mga bulaklak na nagpapakita ng mga pangyayari sa buhay ni Maria. Ang bawat linggo ay mayroong iba't ibang tema tulad ng pag-alaala sa mga santong malalim ang pamamanata kay Maria, at ang banal na pamilya. Sa huling linggo ng Mayo, ginugunita ang Koronasyon ni Maria bilang Reyna ng langit at lupa.


Kilalanin natin ang iba't ibang mga titulo ni Maria sa mga espesyal na worksheet na ito 👇


Si Maria ay hindi lamang ina ng Panginoon, kundi ina rin ng ating lahat. Sa kanyang pangangalaga, laging mayroong pag-asa at liwanag sa bawat sulok ng ating buhay.

Sikapin nating mag-alay ng dasal sa pamamagitan ng pag-rorosaryo araw-araw upang mapagnilayan natin ang iba't ibang mga kaganapan sa buhay ni Hesus at ni Maria.


I-download ang guide sa pagrorosaryo dito 👇👇👇




54 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page