top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Feast of the Divine Mercy


Feast Day: Unang Linggo pagkatapos ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ang Divine Mercy o Banal na Awa ni Hesus ay nagmumula sa walang hanggang pagmamahal at awa ng Panginoon sa tao.

Ang larawan ng Divine Mercy ay nagpapakita kay Hesus na may sinag na puti at pula mula sa Kanyang puso, simbolo ito ng dugo at tubig na dumaloy mula sa kanyang tagiliran nang Siya ay sibatin ng sundalo habang nakapako sa krus.

Binibigyang diin ng Banal na Awa ng Diyos ang pagpapatawad ng ating mga kasalanan hangga’t handa tayong magbalik-loob sa Kanya ilang beses man tayong madapa sa ating mga kasalanan.


Where, if not in the Divine Mercy, can the world find refuge and the light of hope? - Pope John Paul II


🙏 Panalangin sa Banal na Awa ni Hesus

† Pumanaw Ka, Hesus, subali’t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa, para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo.

Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) Amen

O Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo. †


I-download ang Divine Mercy Chaplet dito 👇👇👇


73 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page