Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit | Nakaugalian na mula pa nung unang panahon na ipagdiwang ang Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit o ang Ascension. Ngayon ang ika-40 araw mula noong Pasko ng Muling Pagkabuhay. Dahil isa ito sa mga mahahalagang pagdiriwang natin bilang Kristiyano ay karaniwang inililipat ito sa susunod na araw ng Linggo.
📖 #AngSabisaBibliya | “Kaya't ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na siya'y magsalita sa kanila ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos.” Marcos 16:19
Natapos na ang Kanyang misyon sa lupa kaya't si Hesus ay muling nagbalik sa Langit sa piling ng Kanyang Ama. Sa Kanyang paglisan ay sinugo Niya ang Kanyang mga Apostoles na ipagpatuloy ang Kanyang mga nasimulan.
“Sa kanyang pag-akyat, tayo naman ay dapat bumaba, magpakumbaba, lumuhod at magpasalamat. Tayo rin, balang araw, sa tamang panahong itinakda ng Diyos, ay may karapatang mapasama sa mga umaawit ng papuri sa Diyos sa langit na tunay nating bayan.” - Fr. Chito Dimaranan, SDB
🤔 Pagnilayan natin | Tayo, bilang mga Katoliko, paano natin maipagpapatuloy ang Kanyang misyon?
🙏 Manalangin Tayo | † Panginoong Jesus, tapat Kayong tumutupad sa Inyong pangako na sasamahan Niyo kami hanggang sa wakas ng panahon. Nawa, maging tapat din kami na sumunod sa Inyo hanggang sa huling sandali ng aming buhay. Amen
Sources:
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Yaman ng Salita, Salesian Publications
https://www.catholicnewsagency.com/saint/feast-of-the-ascension-244
Comments