top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria

Feast Day: August 15


Ipinagdiriwang natin ngayon ang Feast of the Assumption o ang Pag-akyat ni Maria sa Langit. Ito ay doktrina nating mga Katoliko na sinasabing sa dulo ng buhay ni Inang Maria sa mundo ay ini-akyat siya ng Panginoon sa langit, katawan at kaluluwa.


Ito ay isang parangal sa kaganapan ng kanyang misyon sa mundo sa pagaaruga sa kanyang anak, ang ating Panginoon, na si Hesus.


Nakapaloob sa Ebanghelyo ngayong araw ang "Magnificat" o ang Awit ni Maria. Dala ng awit na ito ang mensahe ng galak ni Maria sa karangalang dalhin sa kanyang sinapupunan ang Panginoon.


“Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!"

📖 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”


At sinabi ni Maria, “Ang puso ko’y

nagpupuri sa Panginoon,

at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.

Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!


At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,

dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —


Banal ang kanyang pangalan!

Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.

Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,

pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.

Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,

at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

Binusog niya ng m abubuting bagay ang mga nagugutom,

at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.


Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,

bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,

kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


_____________







58 views0 comments

Yorumlar


bottom of page