top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Buwan ng Banal na Dugo ni Hesus

💡 #alammoba na ang buwan ng Hulyo ay Buwan ng Banal na Dugo ni Hesus? Binibigyang parangal natin ang nakapagliligtas na katangian ng Dugo ni Hesus na inialay para sa ating lahat.


Bilang kabataan, maaari tayong makiisa sa paggunita ng Banal na Dugo ni Hesus sa pamamagitan ng mga sumusunod:


😇 Una, subukang dasalin ang Divine Mercy Chaplet kung saan binabanggit ang pag-agos ng dugo at tubig mula sa sugat sa tagiliran ni Hesus. 👉 https://www.katolago.com/divine-mercy


😇 Pangalawa, sikaping dumalaw sa adoration chapel ng inyong simbahan kahit na ilang sandali. Sa katahimikan ay damayan natin si Hesus sa lahat ng hirap na kanyang naranasan para sa ating lahat. Maaari ring pakinggan at magnilay sa Daan ng Krus para sa Kabataang Pilipino.


😇 Ikatlo, sa mga batang nakapag-komuniyon na, ayain ang ating pamilya at sikaping magsimba sa karaniwang araw. Tandaan na ang pagmimisa ang pinakamataas na antas ng panalangin.


😇 Panghuli, maaari tayong mag-alay ng panalangin ngayong buwan sa Banal na Dugo ni Hesus paggising natin sa umaga bilang tanda ng ating pagpapakumbaba at patnubay sa buong araw.


🙏 PANALANGIN SA BANAL NA DUGO NI HESUS




Source:

https://aleteia.org/2019/07/02/what-the-month-of-july-means-to-catholics-and-how-to-honor-it-in-your-home/

21 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page