🌟🌟🌟𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨 o ang 𝐇𝐨𝐥𝐲 𝐓𝐫𝐢𝐧𝐢𝐭𝐲
Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng tatlong tao sa iisang Diyos? Para sa ating mga Katoliko, ang mga angking katangian ng Diyos ang sentro ng ating pananampalataya! Ang Diyos ay may tatlong persona, ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang bawat isang persona na ito ay may iba’t ibang papel na ginagampanan sa ating buhay at sa mundo. Anu ano nga ba ito? Tignan sa larawan. 😄
📖 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟑:𝟓-𝟔.𝟏𝟔-𝟏𝟖 | “Sinasabi ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban na ang tao’y ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu.”
Ani Hesus kay Nicodemo: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.”
🙏 Dasalin natin ang natatanging panalangin para sa 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨, 𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐰𝐚𝐥𝐡𝐚𝐭𝐢
Luwalhati sa Ama,
at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una,
ngayon at magpakailan man
at magpasawalang-hanggan.
Amen.
💡 MAGSANAY TAYO!
I-download ang mga workseet na ito at sagutan bilang pagsasanay 👇👇👇
Comments