top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Sept 10 | Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon

🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️

Ang Mapagkumbabang Pagmamahal na Nagwawasto at Tumatanggap ng Pagkakamali


Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 18:15-20


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.

“Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

“Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid

May nakaaway ka na bang kaibigan, kaklase o miyembro ng inyong pamilya? Karaniwan, kung tayo ay may makakaaway ay sa palagay natin ay may ginawang mali ang taong yon sa atin. Ano ang ating naramdaman? Tayo ba ay nagalit? Nasaktan? Tayo ba ay napa-iyak ng taong yon?


Paano nga ba tayo makikipag-ayos sa taong nakasakit sa atin? Parang ang hirap ano? Pero sa Ebanghelyo ngayong linggo ay tinuruan tayo ni Hesus kung paano ito gawin. Anu-ano nga ba ang mga hakbang? Panoorin ang video Ebanghelyo ngayong linggo at samahan natin si


"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama.” Mt 15:18

B. Paghahawi

Matapos ipahayag ang planong itatag ang kanyang Simbahan sa bato ng pananampalataya ni Pedro, nagpatuloy si Hesus sa pagtuturo sa kanyang mga alagad sa pamamagitan ng sunud-sunod na praktikal na mga gabay kung paano mangaral sa pamayanan ng mga mananampalataya. Isa na rito ay kung paano makipag-ayos sa kapwa.


C. Pagtatabas

Kapag pagmamalaki ang ipapairal, walang pagtanggap ng pagkakamali at walang pagtutuwid sa kapwang magaganap.


D. Pagsasaayos

Lubhang napakahirap na makipag-ayos sa taong nakasakit o nagkasala sa atin. Lalo na ngayon sa panahon na bukas na bukas na ang mundo sa social media maaari na tayong masaktan ng mga taong ni hindi natin kakilala. Maraming maaring magpukol ng masasakit na salita laban sa atin lalo na mula sa mga taong hindi tayo lubos na nakikilala o naiintindihan.


Itinuturo sa atin ni Hesus kung paano makipag-ayos sa kapwa sa Kristiyanong paraan:

Puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan;

kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi;

Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan.

At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.


Mahirap ito dahil hinahamon tayo mismo ni Hesus na sa unang hakbang pa lamang ay maging mapag-kumbaba at maunang pumunta sa ating kapwa upang makipag-ayos. Lalo itong nagiging mahirap dahil kailangan nating iayos ang ating sarili at ang ating kalooban bago pa man tayo makipag-ayos sa kanila.


Humugot tayo ng lakas sa pananampalatayang aayusin ng Panginoon ang lahat. Magnilay at magdasal ng taimtim at hilingin ang tunay na pagbabago at manaig ang pagmamahal sa pakikipag-ayos sa kapwa.


E. Pagdiriwang

May tao bang nakasakit sa atin na hindi pa nakaka-usap. Magdasal at subukang makipag-ayos ayon sa mga hakbang na itinuro ni Hesus.


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com

Sources:

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.


26 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page