đŚđ Gabay sa Pagninilay at Katekesis âď¸
Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 5:38-48
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: âNarinig ninyo na sinabi, âMata sa mata at ngipin sa ngipin.â Ngunit ngayoây sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa naghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.
âNarinig na ninyong sinabi, âIbigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.â Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayoây maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyo iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi baât ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyoây ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.â
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A. Pagmamasid
Isipin mo ang isang pagkakataon sa iyong buhay na may taong hindi gumawa ng maganda saâyo. Ikaw ba ay inaway na ng kaibigan na tila walang dahilan? Nanakawan ka na ba o may sapilitang kumuha ng iyong gamit? Ano ang naramdaman mo? Sinabi mo ba, âGod bless you! Saâyo na lahat pati ang damit ko?â Naku parang tila napakhirap namang magmahal kung ang taoây may ginawang di maganda saâyo! Pero ito ang hamon ni Hesus sa ating lahat, magmahal na tulad ng Ama natin sa langit.
B. Paghahawi
âNgunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayoây maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. â Mateo 5:44
Pag-ugnay sa Ebanghelyo
Hinahamon tayo ni Hesus na magmahal na tulad ng Panginoong Ama. Pantay pantay ang pagsikat ng araw at pagpatak ng ulan sa lahat ng tao, mabuti man o masama kayaât dapat mahalin natin ang lahat kahit na ang ating mga kaaway at ipagdasal ang mga umusig sa atin.
C. Pagtatabas
Paano ka nakikitungo sa isang taong gumawa ng masama sa iyo o sa isang kaaway?
D. Pagsasaayos
Tila madaling sabihin ngunit mahirap gawin ang mga turo ni Kristo sa Ebanghelyo. Paano mo iibigin ang iyong kaaway? Paano mo ibibigay ang kabilang pisngi kung ikaw ay masampal?
Kung tayo ay ginagawan ng kasamaan, paano mo susuklian ito ng kabutihan?
Kung tutularan natin ang halimbawa ni Hesus na walang katapusan ang pagpapatawad sa ating mga kasalanan ay matututunan din nating mahalin kahit ang mga gumawa ng masama sa atin. Pantay-pantay ang tingin sa ating lahat ng Ama sa langit kayaât dapat sikapin ding maging pantay ang pagmamahal sa lahat.
Ganap na kaligayahan at buhay na walang hanggan ang naghihintay sa atin sa langit kung lubos ang pagmamahal natin sa ating kapwa dahil ang Diyos ang bukal ng walang hanggang pag-ibig.
E. Pagdiriwang
Humingi tayo ng tulong sa Espiritu Santo upang magbigay kalakasan sa ating magmahal sa kabila ng kasamaan ng iba sa atin.
+ Panginoon, nawa ay ipadala Mo sa amin ang Espiritu Santo upang tulungan kaming mahalin ang mga taong mahirap mahalin. Amen +
Isulat sa papel ang mga taong hindi mo mapatawad dahil sa mga nagawa nilang di maganda sa iyo. Ipagdasal natin sila at ang ating sarili.
I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com
Sources:
Yaman ng Salita, Word and Life Publications
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. NiĂąo Etulle, SCJ
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi Š Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.
_________________________________________________________________
Comments