đŚđ Gabay sa Pagninilay at Katekesis âď¸
Layuning Matularan Si Hesus, Ang Anak na Sumang-Ayon at Umayon
Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 21:28-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan: âAno ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, âAnak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.â âAyoko po.â tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siyaây naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayun din ang kanyang sinabi. âOpoâ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?â âAng nakatatanda po,â sagot nila. Sinabi sa kanila ni Hesus, âSinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babaeây nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.â
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A. Pagmamasid
Nangako ka na ba sa Diyos kapalit ng isang panalangin? Halimbawa may mahalaga kang exam na kailangang kailangan mong maipasa, tapos nagdasal ka na âLord, kung ipapasa mo ako sa exam na ito, magsisimba na ako tuwing Linggo!â At sa pagsambit mo ng pangakong ito ay buo sa puso mo na tutupdin ito? Ano naman ang nangyari pagkatapos? Sinunod ba natin ang ating pangako? Sa Kabilang banda may mga utos at bilin sa ating ang ating mga magulang. Ano ang sinasabi natin kapag tayo ay inuutusan? Sinsasabi ba natin ay oo pero hindi natin ginagawa? O agad natin itong sinusunod?
âSapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae.â Mateo 21:32
B. Paghahawi
Inilahad ni Hesus ang talinghaga ng dalawang anak kung saan ang unang anak ay kalaunang sumunod sa utos ng kanyang ama habang ang ikalawang anak naman ay sumuway sa kanyang pinag-uutos. Sinabi ni Jesus, âTalagang sinasabi ko sa inyo: mas nauuna sa inyo patungo sa kaharian ng Langit ang mga publikano at mga babaeng bayaran.
C. Pagtatabas
Hindi sapat ang ating mga salita at pangako sa Diyos at wala itong saysay kung hindi naman natin tinutupad at isinasabuhay ito.
D. Pagsasaayos
Inaanyayahan tayo na tumulong sa ubasan ng Panginoon, at malaya tayong sundin ang paanyaya. Nasa atin ngayon kung paano natin isasabuhay ang tawag na ito, sa kadahilanan ang bawat isa sa atin ay hinubog ng naayon sa galaw ng Espiritu Santo. Kaya huwag manghusga ng
Kapwa. Bagkus tignan ang sarili kung tayo ba mismo ay tumutugon at isinasabuhay ang Kanyang mga aral.
E. Pagdiriwang
Pagnilayan kung paano maisasabuhay ang isang aral ni Hesus. Magsimula sa mga malalapit sa ating buhay tulad ng ating pamilya o kapit-bahay.
I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com
Sources:
Yaman ng Salita, Word and Life Publications
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. NiĂąo Etulle, SCJ
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi Š Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.
Comments