#MagingHanda @IlawSaDilim #LiturgyFun
🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️
Handang Sumalubong sa Lalaking Ikakasal
Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 25:1-13
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’tinantok silang lahat at nakatulog.
Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e.’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasamaniyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto. Pagkatapos, dumating naman ang limanghangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A. Pagmamasid
Nagkaranas ka na ba ng earthquake o fire drill sa inyong paaralan? Karaniwang itinuturo sa atin kung ano ang mga kailangan nating gawin kung sakaling magkaroon ng lindol o ng sunog: kung paano tayo lilikas ng maayos at saan tayo magtutungo. Sa gayong paraan ay handa tayo sa kung sakali mang may mangyaring sakuna tulad nito. Ang tanong, naihanda ba natin ang ating sarili sa muling pagdating ng Panginoon?
“‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” Mateo 25:12-13
B. Paghahawi
May kasalang magaganap sa talinghaga ni Hesus. Lumabas ang 10 dalaga upang salubungin ang lalaking ikakasal. Ang 5 sa kanila ay may nakahandang langis at ang lima naman ay wala. Umalis ang limang dalagang hindi nakahanda upang bumili ng langis. Habang wala sila ay dumating ang lalaking ikakasal kaya’t naiwan sa labas ang 5 babae at hindi nakadalo sa kasalan.
C. Pagtatabas
Gaano ka ka handa para sa muling pagdating ng Panginoon?
D. Pagsasaayos
Buong buhay natin ay inihananda na tayo ng Panginoon para sa Kanyang muling pagdating. Nariyan ang mga sakramento tulad ng pagbibinyag, komuniyon, kumpil. Nariyan din ang sakramento ng pagkukumpisal upang linisin ang ating mga kaluluwa sa kasalanan. Napakarami ring pangaral at pagkakataon upang tayo ay makagawa ng kabutihan sa ating kapwa.
Paano ba tayo tumutugon sa tawag ng Panginoon sa kabutihan? Naisasabuhay ba natin ang Kanyang mga kautusan?
Huwag nating sayangin ang mga pagkakataon upang makamit natin ang kaluwalhatian sa piling ng Diyos. Araw araw ay tinatawag Niya tayo sa kabanalan. Magsimula tayo sa mga maliliit na gawain tulad ng pangungumusta sa maysakit, o kaya sa pagpapakita kay nanay o tatay kung gaano natin sila kamahal. Maaari din tayo maging mas matulugin sa paaralan, hindi lamang sa ating mga kaklase kundi na rin sa mga staff tulad ng mga ate at kuya sa canteen o tigalinis ng paligid.
E. Pagdiriwang
Taglay mo ang ilaw ng pagmamahal ng Diyos, sa paanong paraan mo mapapanatiling puno ang iyong lampara?
I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com
Sources:
Yaman ng Salita, Word and Life Publications
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.
_______________________________________________________________
Comments