top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Mar 19, 2023 | Ika-4 Linggo ng Kuwaresma



šŸ¦‰šŸ“– Gabay sa Pagninilay at Katekesis šŸ˜‡

Si Kristo, Ang Liwanag ng Ating Buhay

Ebanghelyo ngayong Linggo: Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sa paglalakad ni Hesus ay may nakita siyang isang lalaking ipinanganak na bulag. At si Hesus ay lumura sa lupa at gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi sa kanya ni Hesus, ā€œPumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe.ā€ (Ang kahulugan nitoā€™y Sinugo.) ā€œMaghilamos ka roon.ā€ Gayon nga ang ginawa ng bulag at nang magbalik ay nakakita na.

Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siyaā€™y namamalimos pa, ā€œHindi ba iyan ang lalaking dating nagpapalimos?ā€ Sumagot ang ilan, ā€œIyan nga!ā€ ā€œHindi! Kamukha lang,ā€ wika naman ng iba. At sumagot ang lalaki, ā€œAko nga po iyon.ā€

Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag. Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at padilatin ang bulag. Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, ā€œPinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako pagkatapos, at ngayoā€™y nakakikita na ako.ā€ Ang sabi ng ilan sa mga Pariseo, ā€œHindi mula sa Diyos ang taong iyan, sapagkat hindi niya ipinangingilin ang Araw ng Pamamahinga.ā€ Ngunit sinabi naman ng iba, ā€œPaanong makagagawa ng ganitong kababalaghan ang isang makasalanan?ā€ At hindi sila magkaisa ng palagay.

Kayaā€™t tinanong nila uli ang dating bulag, ā€œIkaw naman, yamang pinadilat ni Hesus ang iyong mga mata, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya?ā€ ā€œSiyaā€™y isang propeta!ā€ sagot niya. Sumagot sila, ā€œIpinanganak kang makasalanan at ikaw pa ang magtuturo sa amin?ā€ At siyaā€™y itiniwalag nila.

Nabalitaan ni Hesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kayaā€™t tinanong niya ang lalaki nang matagpuan niya ito, ā€œSumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?ā€ Sumagot ang lalaki, ā€œSino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin, upang akoā€™y manampalataya sa kanya.ā€ ā€œSiyaā€™y nakita mo na. Siya ang nakikipag-usap sa iyo,ā€ ani Hesus. ā€œSumasampalataya po ako, Panginoon!ā€ sabi ng lalaki. At sinamba niya si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

A. Pagmamasid

Subukan mong ipikit ang iyong mga mata ng ilang sandali at maingat na lumakad patawid ng iyong silid. Kahit siguro saulado mo ang iyong kuwarto ay posibleng ikaā€™y mabangga o matisod dahil wala kang nakikita. Kahit ikaā€™y hindi naman bulag, hindi ka rin makalalakad ng tuwid kung walang liwanag; maaari kang madapa sa dilim kung wala kang nakikita. Bukas ba ang iyong mata sa lahat ng nangyayari sa iyong paligid? Ginagamit mo ba ang liwanag ni Hesus upang maging gabay din sa pananampalataya ng iba?


B. Paghahawi

ā€œSumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?ā€ Sumagot ang lalaki, ā€œSino po ba siya, Ginoo?ā€ ā€œSiya ang nakikipag-usap sa iyo,ā€ ani Hesus. ā€œSumasampalataya po ako, Panginoon!ā€ Juan 9:35-38


Pag-ugnay sa Ebanghelyo

Mapalad ang taong binuksan ni Hesus ang mata sa kaligtasan at kapangyarihan ng Panginoon habang ang iba ay nagbubulagbulagan sa katotohonan.


C. Pagtatabas

Totoo bang ikaā€™y nakakakita? Nakikita mo ba ang pangangailangan ng ating kapwa lalo na ang mga naghihirap at may sakit?


D. Pagsasaayos

Minsan ay nagbubulag-bulagan tayo sa mga mapapait na katotohanan ng buhay. Nakikita lang natin ang nais nating makita dahil mas mahirap na tumulong sa kapwa lalo na kung hindi ito ayon sa ating pamumuhay. Paano kung may nag-aaway, hindi ba tayo tutulong upang silaā€™y magkabati?


Minsan pinipili din natin na maging tahimik dahil iniisip natin na wala tayong oras para tumulong. Paano kung kulang naman ang ating allowance at sapat lang ang meron tayo para sa ating sarili? Ito ang mga rason kung bakit tayo nahihirapang tumulong sa iba.


Ang panahon ng Kuwaresma ay pagkakataon na suriin ang ating sarili kung paano natin isinasabuhay ang mga turo ni Hesus. Maging liwanag tayo sa ating kapwa tulad ni Kristo. Kung tatanggalin natin ang putik sa ating mga mata ay makikita natin na napakarami nating pwedeng gawin para makatulong sa nangangailangan. Sa ating maliit at munting paraan ay may magagawa tayo hanggaā€™t kumukuha tayo ng lakas sa Panginoon.


E. Pagdiriwang

Suriin at pagnilayan ang mga taong hindi natin pinapansin kahit alam nating nangangailangan. Ano ang pwede mong gawin ngayong linggo upang sa iyong munting paraan ay matulungan sila.


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com


Sources:

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. NiƱo Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi Ā© Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.


_______________________________________________________________




55 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page