top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Enero 15, 2023 | Dakilang Kapistahan ng Santo Niño



🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️

Igalang at Mahalin ang Kabataan


Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 18:1-5, 10


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap. Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid


Mahilig tayong mga Pilipino sa Sto Niño kaya't halos lahat ng mga bahay ay may imahe nito. Karaniwan pa nga ay binibihisan ang mga imahe ng damit na ayon sa mga trabaho ng magulang o kaanak tulad ng nars, pulis, doktor, teacher. Parang napakadali nating humiling at magdasal sa batang Hesus dahil Siya'y musmos, payak at walang kamuwang muwang sa buhay. Sa ganito rin inihahalintulad ni Hesus ang mga taong madaling makakapasok sa Kanyang kaharian.


B. Paghahawi


“Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga

bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." Mateo 18:3


Pag-ugnay sa Ebanghelyo


Simple ang mensahe ng Ebanghelyo, itulad natin ang ating mga sarili sa mga bata upang tayo ay makapasok sa kaharian ng langit.


C. Pagtatabas


Ano ang katanungan ng mga alagad kay Hesus? Sino ang kanyang tinawag bilang upang halintularan at gawing halimbawa? Anong pagbabanta ang ibinigay ni Hesus para sa mga tao kaugnay dito?


D. Pagsasaayos


Tila napakasimple ng sagot ni Hesus sa mga nagtatanong na alagad sa kung sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit. Ngunit napakahirap nito para sa ating mga matatanda dahil na rin sa lahat ng naging karanasan natin sa buhay. Ang iba ay mga nasaktan na sa pagtitiwala o kaya ay dumaan sa mga pagsubok kaya't marami nang pasanin sa buhay.


Ang sabi ni Hesus, tayo'y maging payak tulad ng mga bata dahil sila ay inosente at walang panghahamak at panghahatol sa kapwa. Mag-away man sila, madali nilang naaayos ang kanilang pagsasamahan.


Dahil na rin sa tila walang muwang ang mga bata ay marami rin ang nagsasamantala sa kanila. Maging bukas nawa ang ating mga mata sa mga umaabuso sa mga bata: pisikal, emosyonal at espirituwal. Tungkulin natin bilang mabuting Kristiyano na maging bata sa ating puso at ingatan din ang kapakanan ng lahat ng bata, ano mang estado nila sa buhay.


E. Pagdiriwang


Anong ugali ng bata ang nais mong ibalik upang maging kaaya-aya sa Panginoon?


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com


Sources:

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Mga pagninilay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ

Awit at Papuri Website

74 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page