top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo


🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️

Ang Bukal ng Lahat ng Buhay at Kabutihan


Ebanghelyo ngayong Linggo: Juan 3:16-18


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.


Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid

Ano ang una nating sinasabi kapag tayo ang magdadasal? Hindi ba, “Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen”? Ang tatlong persona na ito ay ang bumubuo sa nag-iisang Diyos! Bakit nga ba naparito si Hesus sa mundo? Ano ang Kanyang misyon para sa sangkatauhan?


“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. ” Juan 3:16

B. Paghahawi

Bahagi ang sipi ng Ebanghelyo ngayong linggo sa pag-uusap ni Hesus at Nicodemo. Sa kanilang masinsinang pag-uusap ay mauunawaan kung ano ang misyon ni Hesus sa mundo.


C. Pagtatabas

Ikaw ba’y namumuhay sa pag-ibig at kapayapaan? Tunay ba ang iyong pananalig sa Banal na Santatlo?


D. Pagsasaayos

Komunidad ng pag-ibig ang Banal na Santatlo. Kaya nga ganito kamahal ng Diyos ang mundo! Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa Kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman. Kaya nais ng Diyos na magkaisa tayo at mamuhay ng may pananalig, kapayapaan at pag-ibig.


Minsan, sa kakulangan ng pananalig sa Diyos, namumuhay tayong may takot at kaguluhan sa ating buhay.


Perpekto ang plano ng Panginoon para sa atin at dahil na rin sa Kanyang pagmamahal ay nariyan si Hesus upang ipangaral sa atin ang daan pabalik sa Panginoon natin sa langit. At kung tayo ay mawawala sa landas o mawawalan ng lakas, tawagin natin ang Espiritu Santo para tayo’y makapanumbalik sa tamang daan.


E. Pagdiriwang

Ano ang panalangin mo sa bawat persona ng Diyos?


I-download ang katolago worksheet dito 👇


Sources:

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.


_______________________________________________________________


12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page