top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Umaapaw na biyaya

Ang pagbuhos ng tulong at biyaya mula po sa ating mga donors ay nakakataba ng puso. Muli po tayong nakapamahagi ng 200 school supplies kit na may plastic envelope, notebook, pad paper, crayola, ruler, glue, scissors, pencil, ballpen, eraser, sharpener; at, 200 hygiene kit na may washable facemask at alcohol spray. Magagamit po ito ng ating mga Katolakids sa pag-uumpisa ng kanilang klase ngayong Oktubre.

Inalay po ito para bendisyunan sa Unang Araw ng Fiesta Novena Mass para kay San Lorenzo Ruiz, ang patron nating mga Pilipino. Ito ang ilan sa mga larawan ng mga ngiti ng mga Katolakids na nakatanggap ng regalo mula sa inyo. Salamat din po sa mga volunteers at coordinators natin na nangangalaga sa mga bata!

Mula po sa lahat ng bumubuo ng Katolago, sa aming Kura Paroko, Rev. Fr. Nino B. Etulle, SCJ, ang aming Catechetical Ministry Interim Head at Delegate Superior ng Adorers of the Blood of Christ, Sr. Linlee Vios, ASC, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga donors na patuloy na nagpapaabot ng tulong para linggu-linggo po ay mahatiran ng katekesis ang mga bata sa kanilang bahay sa pamamagitan ng Katolago Liturgyfun video at activity sheets. Pagpalain po sana kayo at ang inyong mga pamilya ng ating Panginoong Diyos.



48 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page