top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Serbisyo para sa Diyos

Updated: Aug 30, 2020

Sabi ko noong una sa sarili ko, anong mapapala ko rito? Libre serbisyo? Maiistress lang ako. Pero dahil sa positive comments ninyo sa katolago ay sobrang nakakataba ng puso kaya sabi ko sa sarili ko ngayon na hangga't may mga katolakids na nanonood ng Katolago, hinding-hindi ako magsasawa ni mapapagod sa pag-edit at gumawa ng mga pakulo syempre kasama sila Ate Grace at Fr. Candi, then hindi ito magiging posible kundi dahil kila Ate Ricci at Kuya Andrew na siyang creator ng Katolago at syempre sa aming parish priest, Fr. Nino B. Etulle.

Kahit pagpupuyatan ko mag-edit, then maaga pa ako gigising para magprepare ng altar for online mass, kahit yung tipong last minute nagloko ang ginawang edited video, magdouble time para ulitin ulit sa umpisa (dahil hindi ko alam kung sa phone ko o sa app na ginagamit ko).

For God, lahat kakayanin.

Natutuwa ako kahit sa simpleng pagpost niyo ng ganito (kasi alam ko na isa ako na gumawa nito) ay sobrang naaappreciate ninyo.

Maraming salamat po sa SLRP Bukluran Coordinators sa pag-cooperate sa amin at sa lahat ng tumutulong.

Sa mga kabataan na willing ishare ang talento sa paghost, pag-edit ng video, sa pagboses ng gospel reading, mag-animation at mag-create ng mga bagong ideas with free service fee (Opo, libre serbisyo, hayaan nyong ang Diyos na ang bahala sa inyo magbigay ng blessing), YOU ARE WELCOME!🙂 message niyo lang ang page ng Katolago o ng San Lorenzo Ruiz Parish Q.C. o kaya naman ay ako.

Maraming Salamat po sa inyong pagtangkilik nawa'y ipagpatuloy niyo lang po ang panonood ng Salita ng Diyos.


(Mula sa panulat ni Kuya Paolo, ang Volunteer Editor ng LiturgyFun na lumalabas tuwing Linggo bilang Gospel Reading at Homily para sa mga Katolakids.)

41 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page