top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Salamat po!

Nakakataba po ng puso ang suportang bumubuhos para sa ating mga Katolakids. Mula sa mga komunidad, laykong lingkod, lingkod bayan at ordinaryong mga likers ng Katolago, ang naghahatid ng kanilang mga kontribusyon sa iba't-ibang paraan.


Patuloy po ang pagtanggap ng mga area ng mga mirienda sa aming mga Katolakids linggu-linggo. Salamat po sa Barangay Captain ng Culiat, Kap Vic Bernardo na nagpaabot ng mga sabot, at facemasks sa mga bata. Si Nanay Bebang naman po mula pa rin sa Brgy. Culiat ay namahagi ng mga pansit canton. Hindi na po nila pinababanggit ito, pero nais po naming ipaabot ang pasasalamat ng mga batang tumatanggap ng inyong munting regalo.

Mayroon din pong mga donor at benefactor na nagpadala ng kanilang mga tulong para masustentuhan natin ang activity sheets at munting premyo ng ating mga Katolakids bawat buwan. Ilan po sa kanila sina, Dr. Teodoro Mariano, Ate Katherine Castro, Ate Kristen Regalado at Ate Irah Clarrise.

Nagpapasalamat din po kami kina Rev. Fr. Luciano Felloni, Ate Mariz Umali, GMA-7, Sr. Linlee Vios, Adorers of the Blood of Christ, Ate Edlyn Burgonio, ERDA Foundation, sa Couples for Christ Global NB4E, Kuya Paolo Dulay at Ate Grace Huyong, at sa mga volunteer katekista na hindi nagsasawang maglingkod at maggugol ng panahon sa paghahatid ng Ebanghelyo sa mga Katolakids, saludo po kami sa inyo! Maraming maraming salamat po!


132 views0 comments

Recent Posts

See All

Коментарі


bottom of page