🌹 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐧𝐚 𝐂𝐚𝐞𝐥𝐢 | Sa panahon ng Pagkabuhay o Easter ay dinadasal natin ang Regina Caeli na ang ibig sabihin ay “O Reyna ng Langit” sa halip na Orasyon o Angelus. Nagsisimula ang pagdadasal nito mula Lunes matapos ang Araw ng Pasko ng Pagkabuhay hanggang sa Linggo ng Pentekostes.
Sa pagdadasal ng Regina Caeli ay nakikiisa tayo kay Maria sa kagalakan dahil ang kanyang Anak ay muling nabuhay!
Tulad ng Orasyon o Angelus ay dinadasal ito ng tatlong beses, alas-sais ng umaga, alas-dose ng tanghali at alas-sais ng gabi. Ito ay tanda ng pagtatalaga ng ating araw kay Hesus at Maria.
Hindi nalalaman kung sino ang kumatha ng panalanging ito na pinaniniwalaang naisulat na noon pang ika-12 siglo. Ngunit sinasabing ginagamit na itong panalanging ito ng mga Franciscano noong panahong iyon.
O Reyna Ng Langit
Regina Caeli
O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya.
Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya.
Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya.
Ipanalangin mo kami sa Diyos. Aleluya.
Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria. Aleluya.
Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.
Manalangin Tayo
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak nasi Hesukristong Panginoon naming, ay minarapat mong paligayahin angmundo. Hinihiling naming sa iyo na alang-alang sa Birhen Maria nakanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walanghanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailan man atmagpasawalang hanggan. Amen.
(tatlong ulit…)
Source:
Comments