top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Masayang Simula

Makatulong sa Simbahan. Hubugin ang mga bata.


Mga simpleng katagang matagal na naming pinapangarap makamit.

Isang araw, sa tulong na marahil ng Espiritu Santo, ay nagliwanag ang daan na dapat tahakin kasabay nito ang malinaw na pagtukoy ng mga taong may kaparehong layunin.


Kaakibat ang parokya ng San Lorenzo Ruiz Parish, sa pamumuno ng aming kura paroko na si Fr. Nino B. Etulle, SCJ, dalawang assistant parish priests na sina Fr. Candi at Fr. Showe at ilang parish workers ay sinimulan namin ang aming munting proyekto na KatoLago.

Mula sa ilang simpleng activity sheet na in-upload sa FB page na ito, ay nabiyayaan kami agad ng mga benefactor na naniniwalng hindi hadlang ang kawalan ng internet access para mailapit pa rin ang mga kabataan sa Panginoong Diyos.

Katulong ang mga Basic Ecclessial Community at Area Feeding Program coordinators, naipamahagi natin ang katekesis packs na may lamang printed materials, krayola, lapis, pantasa at pambura sa 140 na Batang SanLo!



Ang karaniwang catechetical program ng parokya ay Kids 2 Christ (K2C). Tumatakbo ito kasabay ng eskwela. Pero dahil sa pandemiya, pansamantala itong naantala. Mahirap man ipagpatuloy ang kanilang pormal na pag-aaral ng katekesis, sinikap naming harapin ang hamon ng online at distance learning.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga pamilya sa bagong programang inilatag ng parokya sa kanila. At dahil dadalhin na sa tahanan ang katekesis, mas marami ang naengganyong makiisa rito. Higit sa doble na ang bilang ng mga bata ngayon na nakabilang sa Katolago mula sa parokya, mula sa area ng Machaca, Cruz, SLRP Creekside, Saplan at UP Professors

Pero ang Banal na Espiritu kapag kumilos na sa mga tao, tiyak na higit pa sa nakalatag na plano ang magiging bunga nito.


Nabuksan para sa ibang institusyon at kongregasyon ang KatoLago.


Naging bahagi ng aming programa ang Jewels of St. Maria de Mattias. Sila ang mga batang inaalagaan at kabilang naman sa katekesis ng Sister Adorers of the Blood of Christ. Sa ngayon nasa 25 ang mga batang nakabilang sa KatoLago. Ang kanilang mga katekista ang nagbahay-bahay para maipamahagi ang mga packs ng activity sheets at supplies.

Punung-puno po ng pasasalamat ang aming puso sa lahat ng tumulong, nag-donate at nakiisa sa programang ito ng Katolago at San Lorenzo Ruiz Parish. Sana ay patuloy po ninyo kaming suportahan para masiguro ang tamang patnubay sa mga bata ng ating kinabukasan.

Dalangin po namin na mapangalagaan ang binhi ng Salita ng Diyos na nakatanim sa kanilang mga puso.

"Let the children come to Me." | "Hayaan ninyong lumapit sa Akin ang mga bata." - Mt. 19:14




63 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page