top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kwento ni Nanay Linda

KatoLago ng SLRP?


'Yan ang bagong paraan ng paghahatid ng Ebanghelyo sa mga bata. Base sa aking experience, noong una kong narinig yan ay nagdalawang isip ako. Hindi ko kasi alam kung kaya ba namin na akayin ang mga bata. At papayagan kaya sila ng mga magulang?


Pero salamat naman at nung araw na naglista kami, agad silang tumugon. Salamat din sa mga pamangkin at anak nila na tumulong sa akin para maghanap ng bata.


Medyo nag-alangan pa kami dahil at medyo natakot. Meron ding magulang na muntik ng mag-backout kasi nag-aalala. Pinaliwanag namin na manonood lang ng video tungkol sa mabuting balita, parang catechism na rin. Katagalan napapayag din namin.


Noong unang araw na tinawag namin sila ay makikita mo na sobrang excited sila. Makikita mo na sobrang excited sila manood. Gustong-gusto nila nakikinig talaga. Hindi maiiwasan na may ibang kailangan ng pang-engganyo, kaya sa kanila, nagtoka-toka kaming magpahatid ng mga papremyo sa mga sasagot ng tama.


Napakaganda ng naisip ninyo Ate Ricci at Kuya Andrew. Dahil sa Katolago maraming matutunan ang mga bata tungkol sa Diyos at pananampalataya.


Sa tingin ko kahit panahon ng pandemya matutuon ang isip nila sa gawaing ito. Magiging mabuting katoliko at lalago ang kanilang pananampalataya.


Maraming salamat po Ate Ricci at Kuya Andrew sa paglaganap nyo ng gawaing ito para sa mga bata God Bless you po!









84 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page