top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Bukang-liwayway ng Simbahan

Mensahe mula sa aming Kura Paroko ng San Lorenzo Ruiz Parish, Diocese of Novaliches, Rev. Fr. Niño B. Etulle, SCJ:


"Let the Children come to Me, and do not hinder them. It is to just such as these that the Kingdom of God belongs."


Maraming Salamat mga KATOLAKIDS!!! Tunay nga na inspirasyon kayo lalo na ngayon panahon ng pandemya. Larawan kayo ng katapatan ng Diyos sa Kanyang pangako, at pagmamahal. Pinatunayan ninyo na di kayang ihinto o hadlangan ng kahit COVID 19 ang inyong pagnanais na lumago sa buhay pananampalataya at sa paglilingkod. Pinatunayan ninyo na kahit Quarantine maaaring maging kapaki-pakinabang lalo na sa pagpapalalim ng ating ugnayan sa Diyos. Ito ay magandang pundasyon din upang maging maganda rin ang inyong ugnayan sa inyong kapwa.


Ipinapakita ninyo na 'di kayo kuntento sa kaunting kaalaman sa Diyos, at sa kaunting dasal. Sa halip sa tulong ng inyong mga magulang, mga Ate at Kuya! Kitang-kita ang inyong sigasig, pagpupunyagi, at galak sa bawat episode ng Katolago.


Kayo ang bukang-liwayway ng Parokya ng San Lorenzo Ruiz mga bata!!!


Salamat sa inspirasyon sa aming mga matatanda. Na sa likod ng COVID 19, LOCKDOWN, FACEMASK, FACE SHIELD at ng IATF PROTOCOLS maari pa rin mamuhay ng normal lalo na sa taong nagsusumikap at may pangarap!

Maraming Salamat, sa bumubuo ng KATOLAGO, sa mga magulang, sa mga taong nagbibigay ng merienda ng mga bata tuwing Linggo.


(Bukod po sa mga indibiduwal na tahanan, mga grupo at iba't-ibang parokya at foundation na partner ng Katolago, ang aming parokya ng San Lorenzo Ruiz Parish ay may humigit-kumulang 200 na mga batang binibigyan ng libreng activity sheets linggu-linggo, mga merienda at mumunting regalo.)




17 views0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


bottom of page