top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Bahay-bahay magbigay buhay

Tao po! Nagbahay-bahay ang ating mga Katolago volunteers at katekista para dalhin ang mga activity sheet sa ating mga Katolakids noong nakaraang Linggo. Kumatok sa mga pinto at nag-abot ng special delivery sa mga chikiting.

Sa kani-kanilang tahanan nanood ang mga Katolakids kasama ng kanilang mga magulang at Ate katekista. Sama-samang nakinig sa kuwento ng paglalakad ni Hesus sa ibabaw ng tubig. Sumagot ng activity sheet tungkol sa tiwala at takot, at sa huli ay natutunang magtiwala kay Hesus para mawala ang anumang takot sa puso. <3

Espesyal ang bawat araw ng Katolago sa mga Katolakids na ito, dahil ang kanilang mga magulang bilang isang pamayanan ay naghahanda rin ng iba't-ibang pang mirienda para sa kanila. Salamat pong muli! Hanggang sa susunod na Linggo!


50 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page