top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Ang Agosto ay Buwan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria


Ngayong buwan ng Agosto, inaalala natin ang dalisay na pagmamahal ni Maria na nag-aalab para sa kanyang anak at sa lahat ng tao sa mundo. Si Inang Maria ang huwaran ng pananampalataya at buong pusong pagsunod sa mga plano ng Panginoon para sa ating lahat.


Ipinapaalala sa atin ng debosyong ito na dumulog kay Inang Maria ang ating mga panalangin bilang pagkilala sa kanya na mabisang pamamagitan sa kanyang mahal na Anak na si Hesus. Sino ba namang Anak ang makatatanggi sa kahilingan ng Kanyang Ina?



๐Ÿ™ ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’-๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€


Kalinis-linisang puso ni Maria, bigyan mo kami ng pananampalataya at pananalig na handang manahimik at makinig sa mga sorpresa ng Diyos sa aming buhay.


Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya

Ang Panginoon ay sumasaiyo

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat

At pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus


Santa Maria, Ina ng Diyos

Ipanalangin mo kaming mga makasalanan

Ngayon at kung kami'y mamamatay

Amen +






28 views0 comments

Recent Posts

See All

็•™่จ€


bottom of page