Ang Daan ng Krus para sa Kabataang Pilipino ay kumpletong pagninilay at dasal sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Dito makakasama ng mga bata si Hesus para mas maintindihan nila ang sakrispisyo na ginawa Niya para mailigtas tayong lahat sa kasalanan. Sa pakikiisa kay Hesus sa Daan ng Krus, naitatanim sa kanilang munting kamalayan ang mga aral na magiging gabay nila upang lumaki silang mga ganap na Katolikong mananampalataya na may tunay na pagmamahal at malasakit sa Diyos at sa kapwa.
"Hangad nito na GABAYAN ang mga kabataan sa pagdarasal at pagninilay sa ginawang sakripisyo ng Panginoong Hesus at Kanyang muling pagkabuhay, upang higit nilang MAUNAWAAN at MAKITA ang kaugnayan nito sa kanilang buhay pananampalataya bilang mga bata. - Rev. Fr. Niño B. Etulle, SCJ
Ang mga libro ay libre para sa kabataang Katoliko. Mangyari lang pong mag-email ng inyong request kalakip ang ilang mga detalye tulad ng parokya, dioceses, at listahan at edad ng mga batang bibigyan.
Ang aming email ay katolago@gmail.com
God bless po sa lahat! 🙏
🤲 PASASALAMAT 🤲
⛪️ IMPRIMATUR
H.E. Most Reverend Roberto O. Gaa, D.D.
Bishop of the Diocese of Novaliches
✝️ NIHIL OBSTAT
Reverend Father Niño B. Etulle, SCJ
Priest of the Sacred Heart of Jesus
👩💻 MAY-AKDA
Nine Ajon at Ricci Parto-Dela Cruz
🖼️ ILUSTRADOR
Andrew Dela Cruz
Comments